Minsan

Minsan sa isang taon

Nababatid kong sa aking tawag walang tumutugon

Minsan nung isang pagkakataon

Naramdaman kong nalunod na ako at di makaahon

 

Minsan sa isang buwan

Nakita kong merong kaligayahan

Pero tulad rin ng buwan sa kalangitan

Darating ang oras at hangganan

 

Minsan nababatid kong nalulungkot ako

Nalulungkot ako sa mga bagay na pilit kong tinatago

Tinatago sa mga ngiti pero tila ata ako’y naglalaho

Nais kong iparating hanggang dito na lang sa tulang ito

 

Kailan kaya darating ang panahon

Na pang unawa sa akin itutuon

Ganyan naman talaga ang pagkakataon

Siguro maghihintay na lang ng isa pang taon

 

Advertisements

Natagpuan…

Ikaw ang natagpuan…
Sa pagitan ng umpisa at hangganan
Ikaw ang natagpuan…
Sa mundo ng pakikipagsapalaran

Sayo ko natagpuan…
Kaligayahang hindi makamtan
Sayo ko natagpuan…
Buhay na makabuluhan

Dahilan ng bawat ngiti
Isang sulyap sayo ang sanhi
Walang sino mang makapagsasabi
Kung pag-iibigan natin ay mali

Walang mali sa umiibig
Kung tapat ang pag-ibig
Muli kitang natagpuan
Iba na ang nararamdaman

Salamat sa pagtanggap
Sa puso kong ikaw ang hanap
Buong buhay pinangarap
Totoo nga, pag-ibig kay sarap

Hindi ako mangangako sayo
Upang pangako ay di mapako
Tandaan mo, pag-ibig ko ay totoo
Pag-ibig na para lamang sayo

Ikaw ang natagpuan
Sa puso ko’y ikaw ang nakalaan
Iingatan ka at aalagaan
Dahil ikaw ay pang-magpakailanman

Nasaan ka Ligaya ?

Ang utak ko ay magulo
Ang puso ko ay dumudugo
Pagkatao ko ay nabulabog
Dibdib ko ay tila sasabog

Mata ko ay lumuluha
Sarili ko ay nangungulila
Sa pakiramdam na kay saya
Saya na di nabibigay ng pera

Lumulutang na pakiramdam
Kailan ko ulit makakamtan
Paulit ulit akong naghanap
Pakiramdam na ito ay di makalap

Teknolohiya ng mundo ay umuunlad
Pero heto ako kaligayan ay hangad
Ganito kapait ang katotohanan
Di mapantayan ang dating kaligayahan

Totoo nga ang sabi nila
Payak na pamumuhay ay sapat na
Isang munting ngiti mula kay ina
Pighati at sakit, saglit ay nawala

Kailan kaya ulit?
Ako ngingiti ng hindi pilit
Tunay na ngiti ay di pagkakait
Pag ako ay buo na at walang hinanakit

Music is my inspiration.